ano na ba ang tunay na kulay, mukha, wika at hitsura ng tunay na pilipina ngayon?
marami na ang nagsasabi (na karamihan eh, mga lalakeng pilipino) na ang ma alindog na pilipina ay (nangunguna ang): tisay, tsinita, maamo ang mukha, maganda ang boses (na sya namang konektado sa husay sa pag inggles), at "palaban". kung sa anong aspeto ang huling katangian eh, alam na natin yon kung saan.
noong araw, siguro mga, dekada otsenta, nung ako'y nasa edad 10 pa lang eh alam na natin kung ano ang ka aya aya sa mata natin bilang pa-usbong na lalake. hindi naging importante sa akin ang pagiging maputi, mala singkit na mata, ma amo na mukha, at kung maayos mag inggles. nariyang naging "kras" ko si Mia Pratts, Eula Valdes, Gelli De Belen at syempre si Alice Dixson. kaya kong ipaliwanag kung bakit ko trip na trip yang mga tsikas na yan nung araw, pero hindi dun ang punto ko. Ngayon, anjan na sina Jackie Rice, Angel Locsin, Angelica Panganiban, etc. . at kung napapansin nyo, nag iba na din ang "panlasa" natin pagdating sa mga kababaihan.
katakut-taaaakot na whitening cream na ang mga ina advertise ngayon. mga anti-ageing cream, mga anti-wrinkle formula at kung anu ano pang "pampaganda"
aanhin mo ba ang whitening cream? para pumuti? at kung puputi ka, mai sisigaw mo pa ba na "PROUD TO BE BROWN?" (ang nakakalungkot nito, pati mga lalake, pumapatol na dito).
aanhin mo ang anti-ageing cream? takot ka tumanda? pakamatay ka na lang at nasisiguro ko na mape preserve yang kutis mo...(oo, nakakalungkot uli at may mga lalakeng pumapatol din dito) ingat lang sa embalsamador na may necrophiliac tendency.
tunay nga na hindi na natin maibabalik ang tunay na "identity" ng mga pilipina. pero, sana naman, kahit sa pag uugali, wag natin kalimutan ang pagiging tunay na pilipina. alam na natin siguro ang mga yon, at hindi ko na kailangang isa isahin.
ang prediksyon ko dito, mawawala na ang tunay na identity ng tunay na pilipina. ang pagiging simple, natural, at ang tunay na kulay ay magsisilbi na lang na alternatibo: morena.
No comments:
Post a Comment